Tagalog Writers

We feature Filipino writers who write in Tagalog and / or Filipino to allow you to see the dynamics of the language. Mostly poets, essayists and song-writers, these Tagalog writers are homegrown native speakers. Some of them, we invited and we included their blogs here for you to enjoy; others expressed desire for their poetry to be featured on our site.

1 Mark Angeles
www.patikimnimakoy.blogspot.com

Home grown poet Mark Angeles' book “'Patikim', is a folio of his selected Pinoy poems written in 5 years of nibbling towards the realm of love.

“Mark, also known by his cyber-monicker Makoy Dakuykoy, wrote the internet hit "Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi", a redux of the Neruda poem "Tonight I Can Write the Saddest Lines". His advocacy will also be read in his "Sakali't Ako'y Usigin nina Marx, Lenin, at Mao Habang Ikaw ay Kapiling", an attempt of mixing politics with romance published in the Sunday Inquirer Magazine.

“'Patikim' is a part of the experimental series 100ZineProject by The Youth and Beauty Brigade, an indie publication established by writers Adam David and Carljoe Javier. The chapbook will also include poems made just for the project that were neither posted in print nor online.”

Sa Hindi Dumating
Mark Angeles

Nabiyak sa gitna ang pintuan ng tren
at nagkumahog ang mga tao palabas.
Ilang istasyon rin ang binilang
ng halos ilang ulit kong pagsulyap.
Pares ng mga itim mong sapatos
ang muli’t muli kong inapuhap.

Lumalampas lamang sa aking likuran
ang mga bintana, ang mga poste ng ilaw,
ang mga paskil ng mga otel at tindahan
habang labas-masok sa pintuan
ang mga pasaherong nakaganyak
ng iba’t ibang layak

ng pag-aatubili sa kani-kanilang mga mukha.
Naaalibadbaran sa di-karaniwang alinsangan.
Nasusulyapan ko ang kanilang mga kamay.
May kilik na bag, may hilang kahon,
may tikom na isa pang palad
ng kabiyak, o kabit, o kawaksi sa buhay.

Kung ano ang bumubulong sa kanilang isip
ngayong hapong nagmamadaling sumilong
sa alangaang ang sinag ng araw;
kung gusto nilang lumampas
sa araw-araw nilang binababaan,
hindi ko alam.

Ang naiisip ko ngayon ay kung paanong
sinadya ng bidang babae sa nobela
na itapon ang kanyang sarili
sa kumikislap na mga piraso ng bakal
habang paparating
ang humahagibis na tren.

Naisip ko sanang itanong iyon sa iyo
nang masilip ko ang pabalat ng librong
nahulog sa paanan ng iyong katabi
habang hinahalungkat mo ang iyong backpack,
hinahagilap kung saang pahina ng notebook
naisiksik ang iyong tiket.

Gusto ko sanang linawin: Hindi nagpatiwakal
ang trabahador, iyon ay isang aksidente.
Kahit hindi siya masaya sa kanyang sahod
at laging binabanggit ng kanyang asawa
ang pangalan ng kanyang kumpare,
may inuuwian pa siyang mga anak.

Gusto kong banggiting maraming bimibitaw
sa kanilang katinuan dahil sa pag-ibig,
at lahat tayo ay mga baliw na nakabilibid.
Pero ilang lalaking nakamatyag sa bintana
ang pumapagitan sa ating dalawa.
At baka hindi mo pa iyon nababasa.

Ang dami kong gustong sabihin pero
ni hindi ko alam ang iyong pangalan
kaya hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Susundan ba kita palabas ng istasyon
at itatanong sa iyo kung saang mall
nabili ang iyong mga itim na sapatos?

Malapit lang pala, idudugtong ko.
Baka wala kang ibang lakad.
Samahan mo naman akong bumili.
Saglit mo akong lilingunin at pagkatapos,
pagkatapos ng padaplis na pagkatitig,
matatauhang ako ay estranghero.

Magmamadali kang ihakbang ang pares
ng mga sapatos palabas ng istasyon,
pababa ng hagdan, palayo hanggang
sa masiguradong ikaw ay maglalaho
sa nagsasalimbayang mga balikat,
maililigaw ang tinutunton ng aking tanaw.

Kaya ngayon ako ay nag-iisa
sa gilid ng basang kalsada;
pinamimintigan ng mga binti
sa pag-aabang ng dyip,
nilulumbay sa pagsisiyasat
ng mga galos sa putikang balat.

At habang iniisa-isa ang mga paraan
ng pagtatapon ng sarili sa mabubulas
na mga bisig ng kamatayan,
dinunggol ng itim na bag
ang relo kong walang gasgas.
Ako ay napapalatak.

Nadungaw ko sa gilid ng paningin
ang suot niyang sapatos na itim
at aking inusal ang pag-aasam—
Baka ikaw. Baka ikaw. Sana ikaw.
At nang aking tingalain, hindi ikaw.
Pero nakuha ko ang kanyang pangalan.

2 Jeffrey Copiaco
download his songs at http://www.catatonic-band.com
jipridpogi@yahoo.com

A "classical singer since 1993 (Baritone)," Jeffrey "was with a choir (Philippine Madrigal Et Al). [He took up] classical voice lesson under the tutelage of Prof. Florencia Nepomuceno and Mark Anthony Carpio of the Phil. Madrigal Singers."

Sa Aking Isipan
Lyrics:(j.copiaco)

Heto na naman ikaw ang iniisip
Ikaw ang laman ng aking panaginip
Bakit ba tayo nagkalayo?
Nagkulang ba ako sa iyo?

Umulat umaraw ikaw ang hinahanap
gabit araw ikaw ang pangarap
Nais kitang makitang muli
Mahawakan hanggang sa huli

Inaamin ko na nagkamali ako noon
Kasalanan ko kaya nagkaganun
Nahihirapan na ako sa lagay ko ngayon
Akoy litong-lito gulong-gulo
Nababaliw na yata ako

Naaalala ko pa nung tayoy magkasama
Magkahawak kamay hanggang sa umaga
Oh kay tamis ng ating pagsasama
Kailan ba kita muling madarama

Ilang taon na ang nakalipas
Heto na pa rin ako
Naghihintay
Umaasa
Sa iyong mga kamay

Gabi-gabi na lang hindi ako makatulog
Inaamin ko na nagkamali na nga ako
Patawarin mo sana ako

Write About Tagalog

Enter your E-mail Address
Enter your First Name (optional)
Then

Don't worry — your e-mail address is totally secure.
I promise to use it only to send you TAGALOG AND FILIPINO.

or simply click the RSS feed on this page.

See previous Tagalog writers posts on this page at

Other Tagalog writers poetry using indigenous structures.


Alibris - Books You Thought You'd Never Findbanner