Kapag Pangit ang English
or When the document is badly written in English

Sa ibaba ay mababasa ang isang sanaysay na sinulat sa malabong English. Bigyang-pansin ang mga problemang nakita sa sanaysay at ang mga solusyon na ginamit ng nagsalin.

Below is an essay written in foggy English. Note some problems and the solutions employed by the translator.

1 In the process of getting old, I have lived with a different level of self-actualization in each life stage. Actually, I didn’t know exactly what self-actualization was for me, but now I can think what points have made me feel self-actualized and how to become a self-actualized human being.

Habang ako’y lumalaki, naipamuhay ko na ang iba’t ibang antas ng buhay bunga ng sariling pagpupunyagi. Ang totoo, hindi ko talaga alam kung ano para sa akin ang sariling pagpupunyagi, ngunit ngayon ay naiisip ko ang bawat bahagi ng buhay ko kung saan ay naramdaman kong nagbunga ang sariling pagpupunyagi at [nalaman ko] kung paano magkaroon ng pagkatao bunga ng sariling pagpupunyagi.

2 In my infancy, sure, I can’t remember anything, but I guess that I wanted to be with my mother every moment. In addition, when I was hungry, I just wanted to get milk or some food, and when I cried, I wanted care from my parents. In other words, that time, maybe I could become a self-actualized human being by realizing my basic needs.

Siyempre naman ay wala na akong naaalala noong ako’y sanggol pa, ngunit sa palagay ko ay gusto kong kasama ako ng aking ina sa lahat ng oras. Dagdag pa rito, kapag ako’y nagugutom, gusto ko lamang ng gatas o kaunting pagkain, at kapag ako’y umiyak, gusto ko lamang na alagaan ako ng aking mga magulang. Sa madaling salita, nang panahong iyon, marahil ay nakakamtan ko ang bunga ng sariling pagpupunyagi kapag nakakamit ko ang aking mga pangunahing pangangailangan.

3 When I was child, I stood on the footing to join in the human society. That time, I had many subjects that I thought I should do and learn. Everything was unfamiliar for me. However, it wasn’t hard to do anything because my parents protected and took care of me. I always needed their help and they gave it to me. Moreover, not only did I need my parents, but also I needed friends. For the first time, I started to feel pleasure with friends. In short, I could become a self-actualized human being in the process of engaging in basic social behavior like making friends.

Noong ako’y bata pa, nakisangkot ako sa lipunan ng mga tao. Noon ay naisip kong marami akong dapat gawin at pag-aralan. Lahat ay hindi pamilyar sa akin. Gayunman, hindi ako nahirapang gawin ang anuman dahil inalagaan at iningatan ako ng aking mga magulang. Palagi kong kailangan ang kanilang tulong at ibinigay nila iyon sa akin. Ngunit hindi lamang ang aking mga magulang ang aking kailangan, kailangan ko rin ng mga kaibigan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam ako ng kasiyahan kasama ng mga kaibigan. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa lipunan tulad ng pakikipag-kaibigan ay nabubuo ang aking pagkatao bunga ng sariling pagpupunyagi.

4 During my adolescence, there were a lot of hopes and dreams. I believed that I should go to a university to accomplish my desires. Most people in my country thought like that. Therefore, the ultimate goal for me was entrance into a university. At that time, self-actualization for me was to study for school.

Noong ako’y tin-edyer, marami akong pangarap at inaasahan. Naniniwala akong dapat akong pumasok sa unibersidad upang matupad ang aking mga kagustuhan. Karamihan sa mga tao sa aking bansa ay ganito ang pag-iisip. Kaya ang aking pinaka-ultimong layunin ay makapasok sa unibersidad. Nang mga panahong iyon, ang sariling pagpupunyagi ay ang paghahanda upang makapasok sa paaralan.

5 Now I’m twenty-four years old. I’m an adult. I have to stand alone and there isn't any help from my parents anymore in my life. There are a lot of things that I should do, and I must take the responsibility alone. Everything is difficult and hard for me. In addition, in the process of achieving my desires, I also have a hard time. Therefore, I try to overcome these difficulties to attain my wish.

Ngayon ay dalawampu’t apat na taon na ako. Matanda na ako. Kailangang tumayo na ako sa sarili kong paa at sa aking pamumuhay ay hindi na ako dapat humingi ng anumang tulong sa aking mga magulang. Marami akong dapat gawin at kailangang mag-isa kong dalhin ang responsibilidad. Lahat ay mahirap para sa akin. Dagdag pa rito, sa paggawa tungo sa pagkakamit ng aking mga kagustuhan, nahihirapan din ako. Kaya sinisikap kong mapaglabanan ang mga kahirapang ito upang makamit ang aking hinahangad.

6 At last, to become a self-actualized human being, I must substantially fulfill my goals one by one; such as to be a good mother or a famous designer.

Sa huli, upang mabuo ang pagkatao bunga ng sariling pagpupunyagi, kailangan ay isa-isa kong makamit ang aking mga layunin; katulad ng pagiging mabuting ina at mahusay na taga-dibuho.

7 The last step towards self-actualization in my life may be religious completion and happiness. I’m Christian, so my religious completion means to get salvation.

Ang huling hakbang upang mabuo ang pagkatao bunga ng sariling pagpupunyagi ay maaaring ang pagiging ganap ang relihiyon at kasiyahan. Ako’y isang Cristiano, kaya ang ibig sabihin ng pagiging ganap ang relihiyon ay ang pagkakaroon ng kaligtasan.

8 For happiness, I will make all people that I love happy and ensure that they could be happy without me, especially my offspring. These are the most important steps in self-actualization at my ending.

Tungo sa kaligayahan, pasasayahin ko ang lahat ng mahal ko sa buhay, lalo na ang aking mga anak at sisiguraduhing magiging masaya pa rin sila kahit wala na ako. Ito ang mga pinaka-mahahalagang hakbang sa pagkabuo ng pagkatao bunga ng sariling pagpupunyagi sa huling bahagi ng aking buhay.

9 In conclusion, I realize that my thoughts about self-actualization have changed and will change continually throughout my whole life; however, I think that the common answer about how to become a self-actualized human being is to strive for self-contentment. If people don’t have self-contentment, self-actualization will not be realized in their lives.

Sa pagtatapos, napagtanto ko na nagbago na ang aking mga iniisip tungkol sa pagbuo ng pagkatao bunga ng sariling pagpupunyagi at patuloy itong nagbabago sa buong buhay ko; gayunman, sa palagay ko, ang karaniwang sagot sa kung paano magtatagumpay sa pagbuo ng pagkatao bunga ng sariling pagpupunyagiay sa pamamagitan ng pagsisikap na maging kuntento. Kung hindi kuntento ang mga tao sa kanilang sarili, hindi mabubuo ang kanilang pagkatao bunga ng sariling pagpupunyagi.