English to Filipino Classics
Novel: Tess of D'Urbervilles by Thomas Hardy

English to Filipino Classics: Thomas Hardy's Tess of the D'Urbervilles [1891] is regarded by many as his masterpiece. This book which was serialized first before it was published in book form challenged Victorian ideas of sexual morality. In this translation of an excerpt from Chapter 1, we read about trampled innocence. The story presents Tess as the unsuspecting victim of manipulation by her cousin Alec D'Urbervilles. As a consequence, she suffered much and her betrayal is a most heartrending episode in this novel. Tess longed to escape her past and saw an opportunity when she fell in love with another man, Angel Clare. But what will happen once Angel learns about her secret? 

[The English text translated below is Tess of d'Urbervilles E-text transcribed by Steve Menyhert, proof-read by Meredith Ricker and John Hamm, and revised by Joseph E. Loewenstein, M.D. HTML version prepared by Joseph E. Loewenstein, M.D.]

English to Filipino 1

Unang Kabanata:
Ang Binibini

Isang gabi nitong huling linggo ng Mayo, isang lalaking nasa katanghaliang edad ang naglalakad mula sa Shaston at pauwi sa village ng Marlott, doon sa katabing kapatagan ng Blakemore, o Blackmoor. Pagewang-gewang ang kanyang paglalakad at hindi balanse ang kanyang paghakbang, na tuloy ay nananatili siya sa kaliwa ng daan upang matunton nang diretso ang nilalakaran. Paminsan-minsan ay bigla na lamang siyang tatango, na para bang sumasang-ayon siya sa isang opinyon, kahit wala naman siyang partikular na iniisip. Nakasabit sa kanyang braso ang isang walang lamang basket para sa mga itlog, may bahaging gusumot sa kanyang sumbrero, na nagkagayon dahil doon kumakapit ang kanyang hinlalaki sa tuwing huhubarin niya ito. Nakasalubong niya ang isang nakatatandang parson na sakay sa kabayong kulay abo at binati niya nito, “Magandang gabi po.”

“Magandang Gabi rin po, Sir John,” sabi ng parson.

Mga dalawang hakbang pagkalampas sa kasalubong ay lumingon ang naglalakad, “Ah, makikisuyo na nga po; nagkita po tayo noong huling araw ng palengke dito rin sa kalsadang ito, mga ganito ring oras, at binati ko po kayo, ‘Magandang gabi,’ at binati rin po ninyo ako katulad ng ginawa ninyo ngayon "Magandang gabi rin po, Sir John."

“Oo nga,” sabi ng parson. “At isang beses bago pa nangyari yan, baka noong isang buwan, binati ko rin kayo."

“Kung gayon po ay bakit ‘Sir John’ pa rin ang turing ninyo sa akin, gayong ako lamang naman ito, si Jack Durbeyfield?”

Lumapit nang kaunti pabalik ang parson.“Gusto ko lang.” ang sabi niya; at makalipas ang sandaling pag-aatubili, “Dahil din kasi yan sa natuklasan ko kamakailan lang, habang naghahanap ako ng mahusay na sanggunian para sa bagong kasaysayan ng county. Ako si Parson Tringham, ang antikwaryo ng Stagfoot Lane. Hindi mo ba talaga alam, Durbeyfield, na ikaw ang direktang kinatawan ng sinauna at knightly na pamilya ng mga d’Urbervilles? Sila ang mga inapo ni Sir Pagan d’Urberville, ang kilalang knight mula sa Normandy na kasama ni William na Mananakop, ayon sa nakasulat tungkol sa Digmaan ng Abbey Roll?”

“Ngayon ko lang po narinig yan!”

“Puwes, yan ang totoo. Tumingala ka nga ng kaunti para makita ko ng mas malinaw ang hugis ng iyong mukha. Siya nga, iyan ang ilong at baba ng mga  d’Urberville —medyo palubog. Ang ninuno mo ay isa sa labindalawang Knight na tumulong sa Lord ng Estremavilla sa Normandy sa pagsakop niya sa Glamorganshire. Pag-aari ng mga sangay ng iyong pamilya ang mga manor sa buong bahaging ito ng Inglatera; naroon ang kanilang mga pangalan sa mga Rolyo ng Tabako noong panahon ni Haring  Stephen. Noong si Sir John ang hari, napakayaman ng isa sa kanila, na nakapagbigay siya ng manor sa mga Knights Hospitallers; at noong panahon ni Edward II, ang ninuno mo na si Brian ay ipinatawag sa Westminster para dumalo sa dakilang konseho doon. Medyo nawala kayo noong panahon ni Oliver Cromwell, pero hindi naman ganoon kaseryoso, at noong panahon ng paghahari ni Charles II, ginawa kayong Knights ng Royal Oak dahil sa inyong katapatan. Totoo, maraming sunod-sunod na henerasyon ng mga Sir John sa inyong angkan, at kung namamana lamang ang pagiging knight, tulad ng pagiging baron, katulad noong unang panahon na ang pagiging knight ay naisasalin ng ama sa anak, Sir John ang magiging turing sa iyo ngayon.”

“Talaga po?”

“Samakatuwid,” pagtatapos ng parokya, sabay palo sa kanyang hita, “halos wala nang katulad ng pamilya mo dito sa Inglatera.”

“Wala na po ba talaga? Ganoon na kabihira?” sagot ni Durbeyfield. “At isipin na lang na taon-taon ay pakatok-katok ako sa mga posisyon para magkatrabaho, na parang ako na ang pinakamahirap na tao sa parish.... kailan pa po ba ninyo nalaman ito, Parson Tringham?”

Ipinaliwanag ng clergyman na sa abot ng kanyang kaalaman ay wala nang nakakaalam dito at walang makakapagsabi na may alam sila tungkol dito. Nagsimula ang kanyang imbestigasyon isang araw nang tagsibol. Dahil nga binabakas na niya noon ang mga sanga-sanga ng pamilya ng d’Urberville napansin niyang nakatatak sa kanyang karwahe ang pangalang Durbeyfield. Kaya mula noon ay nagtanong-tanong siya tungkol sa kanilang ama at lolo hanggang makatiyak na siya nang husto at wala nang pagdududa.

“Noong una ay nagpasya akong huwag nang sabihin sa iyo ang impormasyong iyan na hindi naman magagamit,” ang sabi pa niya. “Pero minsan ay mas malakas ang kabig ng dibdib laban sa ating mga ipinasiya. Akala ko ay mayroon kang kaunting nalalaman tungkol diyan.”

“Mayroon nga po akong narinig tungkol diyan, totoo naman, na mas maganda ang buhay ng pamilya ko noon bago sila napunta sa Blackmoor. Pero hindi ko pinansin dahil sa isip ko, ang ibig sabihin lang niyan ay dalawa ang kabayo namin noon, at ngayon ay isa na lang. May kutsara kami na yari sa pilak, at pantatak na yari din sa pilak. Pero ano naman ang mga iyon... Gayong kami pala at ang mga mayayamang  d’Urberville ay iisang laman at dugo.

"May kuwento pa nga po noon na ang kanuno-nunuan kong lolo ay maraming sekreto, at walang pakialam sa pagsasabi kung saan siya nagmula.... At mawalang-galang na mga po, parson, saan po kaya matatagpuan itong mga angkan ng d’Urberville ngayon?”

“Wala na kayong tirahan ngayon. Naglaho na ang angkan ninyo—bilang mamamayan ng county.”

“Napakalungkot naman.”

“Yan ang sinasabi—yung tinuturing sa kasaysayan ng mga pamilyang may titulo na nawala na—ibig sa bihin, naglaho na talaga.”

“Pero saan naman po sila mga nakalibing ngayon?”

“Sa Kingsbere-sub-Greenhill: maraming hanay doon ng mga libingang bato, na may mga pangalan ninyo sa ilalim ng mga marmol na  canopy na Purbeck.”

“Saan naman po kaya iyong mga mansyon?”

“Wala na.”

“Ganoon po ba? Wala na ring mga lupain?”

“Wala na; pero malalawak ang lupain ninyo noon, tulad ng sinabi ko, dahil maraming sangay ang inyong angkan. Dito sa county na ito may hacienda kayo sa Kingsbere, at mayroon pang isa sa Sherton, at sa  Millpond, sa Lullstead, at ganoon din sa Wellbridge.”

“Sa palagay po ba ninyo ay makakabawi pa kami, makakabalik sa dati?”

“Ah, hindi ko masasabi 'yan!”

“Mero po kaya akong magagawa tungkol diyan, sir?” tanong ni Durbeyfield, pagkatapos ng maikling patlang

“Wala na siguro, maliban sa paglatigo sa sarili sa pag-iisip kung gaano kasakit ng pagbagsak ng mga nasa itaas. Pero interesante ang impormasyong iyan sa mga lokal na mananalaysay at mga nag-aaral ng lupain, wala nang iba. Maraming pamilya sa mga nag-mamay-ari ng paupahang bahay na halos kapareho ng sa inyo ang kasaysayan. Magandang gabi.”

“Baka po gusto ninyong sumama sa akin at mag-beer muna tayo para ipagdiwang ang ating pagkikilala Parson Tringham? May maganda pong inuman diyan sa  Pure Drop Inn—pero siguro mas maganda doon sa Rolliver.”

“Hindi na, salamat—hindi siguro ngayong gabi, Durbeyfield. Marami ka nang nainom.”

Ganoon nagtapos ang pag-uusap, at tumakbo nang paalis ang kabayo. Napaisip ang parson kung tama kaya ang ginawa niyang pagdedetalye ng munting kasaysayang ito.

Pagkaalis niya, sandaling naglakad si Durbeyfield na malalim ang iniisip, at pagkatapos ay umupo sa madamong bangketa sa tabing kalsada, at ibinaba sa tabi niya ang basket. Makaraan ang ilang minuto ay may natanaw siyang isang binatilyo na papunta rin sa direksyon ng paglalakad niya kanina. Kinawayan niya ang kabataan, at lumapit ito agad sa kanya, “Ijo, pakibuhat nga ng basket! May iuutos ako sa iyo.”

Napakunot-noo ang kausap. “Sino ka naman John Durbeyfield, para utusan ako at tawag-tawagin akong ijo? Alam mo naman ang pangalan ko at kilala rin kita!”

“Talaga ha? Iyan ang sikreto—iyan ang sikreto! Sundin mo ang iuutos ko, at dalhin mo ang mensahe na ipadadala ko sa iyo... o sige, Fred, wala sa akin na sabihin ko iyo ang sikreto na kabilang ako sa isang angkan ng mga maharlika —ngayon ko lang ito nalaman, ngayong hapon.”

At pagkasabi niya nito, ay nag-inat sa kanyang posisyon sa pagkakaupo si Durbeyfield, upong pahinga sa damuhan, kasama ng mga bulaklak ng daisy.

Nanatiling nakatayo ang binatilyo sa harapan ni Durbeyfield, at tinataya ang kaharap mula ulo hanggang paa.

“Ako si Sir John d’Urberville—iyan ako,” pagpapatuloy ni Durbeyfield. “Ibig sabihin, kung mga baron ang mga knight  —na dapat lamang. Nakatala sa kasaysayan ang tungkol sa akin. Alam mo ba yong Kingsbere-sub-Greenhill?”

“Uhum, nakarating na ako sa Greenhill Fair.”

“Sa loob ng simbahan sa lungsod na iyon—”

“Hindi naman iyon lungsod, iyong lugar, ibig kong sabihin, mga dalawang beses akong napunta doon -- parang maliit na tuldok lang ang lugar na iyon”

“Hindi bale, basta, hindi iyan ang pinag-uusapan natin. Sa loob ng simbahan sa parokya doon, ay nakalibing ang aking mga ninuno —daan-daan sa kanila—balot ng mga liham at alahas, sa mga dakilang kabaong na simbigat ng ginto. Walang sinumang lalaki sa county ng  South-Wessex na mas dadakila pa sa mga inapo ng pamilyang ito kaysa sa akin.”

“Talaga ha?”

“Kaya pulutin mo yang basket, at pumunta ka sa Marlott, at pagdating mo sa Pure Drop, Inn, sabihin mo sa kanila na padalhan ako ng kabayo at karwahe para mabilis akong maihatid pauwi sa bahay. At sa ilalim ng karwahe na ibibigay nila sa iyo ay sabihin mo sa kanilang maglagay ng isang bote ng alak, at ilista iyon sa aking pangalan. At kapag nagawa mo na ito, ay pumunta ka sa bahay ko at dahil mo ang basket, at sabihin mo sa asawa ko na huwag nang tapusin ang paglalaba dahil pauwi na ako at may balita ako  sa kanya.”

Habang nakatayo pa rin ang kausap na punong-puno ng pagdududa, dumukot si  Durbeyfield ng isang shilling sa kanyang bulsa, bahagi ng kaunting natitirang pera niya. “Ito ang para sa iyo, sige lumakad ka na.”

Nagbago agad ang estima ng kabataan sa kanyang posisyon, “Sige po, Sir John. Salamat po. May ipag-uutos pa po ba kayo, Sir John?”

“Pakisabi sa kanila na nasa bahay, na ang gusto kong hapunan ay— piniritong tupa, kung may makukuha sila, at kung wala, kahit dinuguang lamang-loob; at kung wala pa rin niyan, kahit munting inahin, puwede na.”

“Opo, Sir John.”

Kinuha ng kabataan ang basket, at nang paalis na siya ay narinig nila ang tunog ng banda mula sa village.

“Ano yun?” tanong ni Durbeyfield. “Hindi naman para sa akin iyon, ano?”

“Para po iyon sa mga babae na miyembo ng klab na naglalakad bilang ehersisyo, Sir John. Miyembro nga po doon iyong isa sa inyong mga tauhan.”

“Ah nakalimutan ko na sa dami ng iniisip kong mas mahahalagang bagay! Siya, madali, pumunta ka na sa Marlott at ikuha mo ako ng karwahe, at siguro ay mag-iikot ikot ako at iinspeksyonin ang klab.”

Umalis na ang binatilyo, at nanatili si Durbeyfield na naghihintay sa damuhan kasama ng mga bulaklak ng daisy sa ilalim ng sikat ng papalubog na araw. Matagal na walang dumaraan sa dakong iyon, at ang pahina nang pahinang musika ng banda ang tanging tunog na maririnig mula sa mga tao sa buong kalawakan ng mga bughaw na burol.

Pagsasaling-wika

Ang saling-wika sa pahinang ito ay patuloy na sumasailalim sa pamamatnugot at hindi dapat ituring na pinal na salin. Nais mo bang ibahagi ang sariling saling-wika?

[ ? ]

Tungkol sa nagsalin (opsyonal)

Upang malagay ang iyong pangalan bilang tagapagsalin punan ang impormasyon sa ibaba

(palayaw o buong pangalan)

(Lungsod, Bayan, Probinsya, Bansa)

Isumite ang iyong Kontribusyon

  •  mga gabay sa pagsusumite.


(Maaari mong tingnan at i-edit sa sunod na pahina)

You might like these

  • Old Tagalog or Filipino

    Old Tagalog or Filipino isn't at all an issue in translation as long as target users are identified, making the vocabulary choices not merely fit but educate the users.

  • Tagalog Daily One Day at a Time

    Tagalog Daily One Day at a Time is Tagalog at Wordhouse everyday blog featuring a Filipino poem.

  • Tagalog Spelling

    Tagalog spelling of Filipino / Tagalog words. There should be less confusion in spelling during translations.