Sumulat ng Uncle Tom's Cabin,
Harriet Beecher Stowe

Si Harriet Beecher Stowe, sumulat ng Uncle Tom’s Cabin, ay nag-iwan ng matinding tatak sa kanyang panahon. Ayon sa kasaysayan, sinabi raw ni Abraham Lincoln na isa sa pinakamatinding boses laban sa slavery ay nagmula sa nobela ng manunulat na ito. Labing tatlo ang magkakapatid na Beecher at lahat sila’y may masidhing pagnanasa na maging mahusay sa mga pinili nilang propesyon. Kabilang sa mga kapatid ni Harriet ay si Henry Ward, maaaring isa sa pinakaprominenteng pastor sa kasaysayan ng America. Si Catherine, pinakamatandang kapatid, ay nagbunsod ng pinakaunang paaaralan para sa mga babae. Samantalang si Edward naman, bata ng dalawang taon kay Catherine ay naging presidente ng isang kolehiyo, at lider ng samahang lumalaban sa slavery. Si Charles naman, bata ng apat na taon kay Harriet ay naging supirentendente ng isang pampublikong paaralan sa Florida at isa sa mga nanguna upang mabigyan ng edukasyon ang mga itim. Si Isabella naman, ipinanganak noong 1822 ay isa sa kauna-unahang lumaban upang ang mga babae ay makaboto at magkaroon ng pantay na karapatan sa mga lalaki. Ipinanganak noong 1824, si Tomas, ang pinakabunso, ay pastor din na unang tumanggap ng hamon na magpastor sa mga lugar ng mga itinakwil ng lipunan. 

Inilaan ng mga Beecher ang kanilang buhay sa pagpapabuti ng sambayanan sa pagtatapos ng ika 19 na siglo. Isinulong nila ang pagkakaroon ng hustisya sa lahat ng larangan. Matindi ang kanilang paglaban sa alinmang uri ng pang-aapi, puti man o itim ang inaapi. Sa lahat ng ito, maaaring bigyan ng kaukulang papuri ang kanilang ama, si Lyman Beecher. Isang pastor, naging misyon ni Lyman na itatak sa puso ng kanyang mga anak ang paniniwalang ang lahat ng taong nilikha ng Diyos ay may pantay-pantay na karapatan sa mga biyayang ang Diyos lamang ang pinagmumulan.  

What is an Idiom?

Click on "Like"

Be in the KNOW

Or just ask

Palaging Kausap si Tatay

Sa ating bayan sa panahon ngayon ay napakaraming butas sa lipunan na maaaring ang dahilan ay mga “low-bat” na Tatay. Sinasabi na noong una’y halos hindi pinapansin ng magkakapatid na Beecher ang araw-araw na “pagsesermon” ng ama lalung-lalo na tuwing sila’y mag-aalmusal. Si Lyman, bagamat magaling na tagapagsalita sa publiko, ay hindi naman gayon kagaling sa pakikipag-usap na kaswal. Maging sa kanyang mga anak, kung makipag-usap siya’y parang pastor pa rin. Ngunit kahit gayon, kinakausap pa rin niya ang kanyang mga anak, at dahil patuloy niya itong ginawa, natatak sa kanilang murang pag-iisip ang kanyang mga sinabi. Bunga nito, silang lahat ay naging mabuting mamamayan.

Matagal nang problema ng ilang mag-aama ang mga tatay na hindi tumatayong lider at tagapagsalita sa loob ng bahay. Malimit, wala ang tatay at ipinauubaya na lamang sa nanay ang pagdidisiplina ng mga anak, at iba pang desisyong may kinalaman sa kinabukasan ng anak. Subalit, mahalaga na palaging kinakausap ng Tatay ang kanyang mga anak. Maaaring hindi siya sanay sa mga impormal o kaswal na pakikipag-ugnayan sa kanyang pamilya dahil palagi siyang wala sa bahay. Pero nakaka-miss naman kung hindi na maririnig ang kanyang boses sa bahay. Minsan nga ay palaging sinasabi, ang mga nanay raw, pag nagagalit ay paulit-ulit na nangangaral subalit hindi agad pinakikinggan. Ngunit ang tatay, isang salita lamang ay kinatatakutan na.

Kung ang isang tatay ay hindi na umiimik sa bahay at palagi na lamang nagpapadala sa mas madaling paraan katulad ng pagtahimik o pagbibigay ng lahat ng kahilingan, “matigil ka na lang,” magiging kulang ang input sa mga puso at isip ng mga anak. Ang tatay ay magiging simbolo na lang, parang patakot sa palayan, na kahit dapuan ng mga ibon ay hindi matitinag. Sayang naman kung ganon, dahil sa maraming pagkakataon, ang isang buo at matibay na pamilya pa rin na pinangungunahan ng may boses na tatay, ang siyang pundasyon ng maunlad na bayan.